January 12, 1984 – Ipinanganak si Paypi sa Sampaloc, Metro Manila. May bonet daw siya nung isilang.

March 18, 1984 – Bininyagan si Paypi, 3 days bago ipinanganak si Imon.

March 22,1984 – Ipinanganak naman si Imon sa Sta. Rita, Batangas City. May bonet daw siya nung isilang.

January 18, 1985 – Bininyagan si Imon, 6 days pagkatapos ng 1st birthday ni Paypi.

 

Napakalayong magkrus ang landas nila.

 

June, 1987 – Lumipat sina Paypi sa Bolbok, Lipa City ng June 1987. Dalawampu't dalawa (22) km lang ang layo nito sa bahay nina Imon sa Batangas City kung saan Bolbok din ang pangalan ng katabi nilang baranggay.

 

Ang isang kabaranggay nina Imon ay napangasawa ng isang malapit na kamag-anak ng nanay ni Paypi.

Ang isang kabaranggay naman nina Paypi ay naging kasamahan sa negosyo ng nanay at tatay ni Imon.

 

Pero hindi pa nagkakakilala ang dalawang pamilya.

 

1990-1996 – Masayang kabataan ni Imon sa piling ng pamilya, kaibigan at mga kaklase. Elementary graduation.

1990-1996 – Masayang kabataan ni Paypi sa piling ng pamilya, kaibigan at mga kaklase. Elementary graduation.

 

1996-2000 – Masayang highschool life ni Imon sa Sta. Teresa College. Student leader. First heartbreak.

1996-2000 – Masayang highschool life ni Pia sa Lipa Science High. Student leader. No heartbreak.

               

Nang mga panahong ito, active na si Imon sa YFC, isa sa mga family ministries ng Couples for Christ.

Nang mga panahong ito, iniimbita na si Paypi na magmember ng YFC, pero hindi niya nabigyan ng panahon

               

Pareho ng Couples for Christ ang parents nila, pero hindi sila magkakilala.

 

2000-2005 – Masayang college life ni Imon sa Batangas. Pero madalang makauwi sa kanila dahil sa service. Nagkaroon ng girlfriend si Imon na tumagal sa loob ng walong buwan.

2000-2004 – Masayang college life ni Paypi sa Manila. Pumapasok pag weekdays at umuuwi sa Lipa pag weekends. Hindi siya nag e-entertain ng manliligaw.

 

Summer ng 2004 nang mag on-the-job training si Paypi sa NSO Batangas City. Katabing-katabi ito ng palengke kung saan may pwesto ang mga magulang ni Imon.

 

Taong 2004 to 2005 nang mag on-the-job training si Imon sa Eastwood, Quezon City. Sa Eastwood, Quezon City din nagtatrabaho noon ang ate ni Pia. Sa likod lang ng Eastwood nakatira ang magkapatid at madalas, dumadaan sa Eastwood si Paypi para sabay silang magdinner.

 

 

Pero hindi pa nila kilala ang isa't-isa.

 

2005-2006 – Nagsimula na si Imon ng kanyang teaching career. Isa sa mga kasamahan niya sa trabaho na nalilink sa kanya ay dati palang kasamahan ni Paypi.Nagenroll siya sa MS. Pero hindi pa siya lumilipat ng SFC.

Ang buhay niya: Trabaho. Service.  Pamilya. Studies.

 

2004-2006 – Nagsimula na si Paypi ng kanyang professional career. Nag-entertain na siya ng mga manliligaw pero walang natuloy sa mga ito. Nagenroll siya ng MS at nagmember ng SFC kung saan nakasama sa isang project ang dahilan ng first heartbreak ni Mon. Ang buhay niya:  Pamilya. Trabaho. Studies. Service.

 

2007 – Lumipat na ng SFC si Imon pero hindi pa sumasama sa provincial activity.

2007 – Provincial anniversary ng CFC sa Batangas City at katulong siya ni sister Aness sa on-the-day newsletter publishing. Inusisa ni Aness ang lovelife ni Paypi at nag-isip ng maaring ipareha dito nang malamang single and available siya. Naisip niya ang close friend na si Imon.

 

December, 2007 – Nagkita si Imon at Paypi sa provincial SFC Christmas party.

 

Galing pa sa trabaho si Imon kaya late na siyang nakapagregister. Nagpapacute siya to no one in particular.

 

Sa registration naman naka-assign si Paypi pero nasa ladies room nang dumating si Imon. Nagpapacute siya to someone in particular pero hindi kay Imon.

 

Bago matapos ang party, ipinakilala sila sa isa't-isa.

                               

Paypi: "May kakaiba sa kung paano niya hinawakan ang kamay ko. May respeto."

Mon: Hindi na niya maalala ang eksenang ito.

 

Ilang araw bago magpalit ng taon, nagdouble date sila with two other SFC friends.

Pagkatapos ng unang date.

                       

Mon: "Parang mataray. Malabo siguro ito."

Pia: "Parang wala lang. Malabo siguro ito."

 

Pagkatapos ng 23 years, nagkita rin sila pero mukhang dead-end ang cross-roads na ito.

 

Si Imon

after that first date in 2007: Pamilya. Trabaho. Studies. Service.

     Sinubukang bumalik sa ex, nasaktan uli pero nagkaroon ng closure.

Si Paypi

after that first date in 2007: Pamilya. Trabaho. Studies. Service.

     First heartbreak from that particular someone na hindi si Imon.

 

Sometime in 2008. Nakita ulit ni Imon si Paypi sa isang activity.

 

Mon:  "May kakaibang dating sa pagkikita ulit namin ngayon."

Pia: Hindi na niya maalala ang eksenang ito.

 

Naging consistent ang texts ni Imon. Lagi siyang binubuyo ng kasama niya sa chapter.September 2009 nang magsimula ng marubdob na panliligaw. Regular dates. Laging may paalam sa tatay at nanay ni Paypi ang mga dates na ito, pero ayaw ni Paypi na papuntahin si Imon sa bahay.

               

December 23, 2009: Magtatapat si Imon kay Paypi at pupunta sana siya sa bahay para magpaalam sa tatay nito.

December 23, 2009: Namatay ang tatay ni Paypi.

               

Si Imon

after that fateful day: Gustong maipakita ang pagmamahal kay Paypi pero hindi maituloy ang panliligaw. Sapat na muna ang sumuporta sa tabi niya.

Si Paypi

after that fateful day: Hindi makamove-on sa sakit pero naging malaking tulong sa healing ang presensya at suporta ni Imon.

 

February 5, 2010: Nagtapat si Imon kay Paypi.

February 7, 2010: Basted.

 

February 14, 2010: Heartbroken si Imon.

February 14, 2010: Nalilito si Paypi. May hinihintay siyang sagot sa kanyang dasal.

 

Pero patuloy ang communication.

 

February 21, 2010: Healing sa SFC Conference. Tumakbo mag-isa sa Imon Run for Life kahit 2 oras lang ang tulog dahil may usapan sila ni Paypi. Hindi dumating si Paypi. Inoffer na lang ni Imon ang pagtakbo niya para kay tatay.

After conference resolution: Napurify ang intention ng kanyang prayer at fasting para mapasagot si Paypi. Renewed hope at handang magsimulang muli.

 

February 21, 2010: Healing sa SFC Conference. Nagpakupkop kay Sr. Cris para humingi   ng spiritual     direction.

After conference resolution: Nakuha niya ang kasagutan sa tanong.

 

February 22, 2010: Lunch date ni Imon with Pia and her mother.

     Bandang alas singko ng hapon: MATAMIS NA OO.


The Gate

I like it when you hold my hand

With fingers interlaced, or wholly covered,

Inside your own hands it is cupped

 

For the fortresses I build suddenly crumble

And the invincible me becomes vulnerable

 

For that's when I feel I can trust

That's when I know I am most loved

 

With such honor and respect you held it

The first time that we met

 

With prayers I hope

My hand you'll always hold

 

sem022410

© Copyright 2012 Mon & Pia's Wedding 2012. All Rights Reserved
Sto. Domingo Church, Quezon City, Philippines
Contact No. Mon: (0922) 800-5093; Pai: (0922) 867-6463

This page was modified last October 3, 2012 by webmaster

2012 OUR LOVE TIMELINE.